Home

  About Us

  Press Statements

  Position Papers   

  Basic Documents

  Resolutions

  Affiliates

  Forum

  Guest book  

  Links

 

 

 

 

 

21 June 2002

ANO’NG ITINATAGO NINYO?
MWSS, Maynilad at Manila Water Nagsasabwatan sa Rate-Rebasing Process

Matatapos na ang Hunyo at ang rate-rebasing process na magtatakda ng mga bagong presyo ng tubig ngunit walang naririnig ang publiko ukol rito. Kung hindi pa napilitang ibunyag ni Chief Regulator Ed Santos sa Congressional investigation na humihingi ang Maynilad at Manila Water na gawing 25-30 pesos per cubic meter ang presyo ng tubig, hindi pa natin malalaman ito.  Tuwing hihingi tayo ng impormasyon o paliwanag tungkol sa rate-rebasing ay para tayong mga tangang pinagpapasa-pasahan ng iba’t ibang opisina ng MWSS.

Ngayong araw sanang ito ang gagawing public consultation ukol sa rate-rebasing, ngunit kinansela ito sa di malamang dahilan. At kung matuloy man ito, paano makakalahok ng maayos ang publiko gayong walang ni anumang datos na ibinabahagi ang MWSS at ang Regulatory Office? Kung imbitahan pa ang mga nais na lumahok na grupo ay isa o dalawang araw bago ang naitakdang public consultation. Talagang ayaw marinig ng MWSS ang tinig ng mga mamamayan ukol sa rate-rebasing at sa isyu ng tubig.

Sa ating pag-aaral sa isyu ng tubig at ayon sa ating karanasan sa dalawang kumpanyang ito, walang batayan na singilin nila tayo ng 25-30 pesos kada cubic meter ng tubig. Mula sa 6.14 pesos noong September 2001 ay naging 15.46 pesos (Maynilad areas)—135% na ang itinaas! Ngayon ay dodoblehin pa! Sa Manila Water naman, mula 6.24 pesos ay gagawing  25 pesos! Maka-apat na beses ang itataas! Sinisingil tayo ng ganitong presyo sa kabila ng bulok na serbisyo—marami pa ring pook ang walang koneksyon, kung meron mang koneksyon ay hindi 24 oras ang supply ng tubig, marumi ang tubig, mahina ang water pressure, atbp. At ngayon, kung ang barangay ninyo ay sakop sa Maynilad at 500 na ang binabayaran ninyo kada buwan, ito ay magiging 1,000 pesos. Kung sa Manila Water naman at mga 150 ang kasalukuyang ninyong bill, ito ay magiging 600 pesos pagdating ng January 2003.

Ang tanging dahilan na ibinibigay ng Maynilad sa pagtataas ng presyo mula Oktubre 2001 ay ang kanilang pagkalugi umano noong financial crisis ng 1997. Kailangang bawiin daw nila ang lugi nila sa loob ng maikling panahon upang maipatupad nila ang kanilang expansion at service targets. Sa madaling salita, kung hindi daw tataasan ang presyo ng tubig, hindi sila makakapagkabit ng mga bagong koneksyon at hindi maaayos ang serbisyo sa mga dati nang may koneksyon. Ito ay malinaw na BLACKMAIL at PANDARAYA na kinukunsinti naman ng MWSS.

Kung hindi kayang ipaliwanag ng Maynilad at Manila Water sa publiko ang malinaw na basehan ng pagtaas ng presyo ng tubig, ito ay hindi dapat ipatupad! Kung kaya nilang depensahan ang kanilang mga panukalang presyo, bakit nila ito itinatago sa atin? May karapatan tayo bilang consumer na malaman kung bakit tayo sinisingil ng ganitong halaga. May responsibilidad din ang pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang karagdagang pahirap na ipinapataw ng mga kumpanya ng tubig sapagkat ang tubig ay isang batayang pangangailangan. Kung ang PPA sa kuryente ay ating tinututulan, dapat din nating tutulan ang pang-aabuso ng Maynilad at Manila Water at ang pakikipagsabwatan ng MWSS at Regulatory Office.

PIGILAN ANG RATE-REBASING!
TUTULAN ANG PANDARAYA NG MAYNILAD AT MANILA WATER!

AKBAYAN CITIZENS’ ACTION PARTY
ALLIANCE OF PROGRESSIVE LABOR



See Also: Dagdag Presyo, Bawas Serbisyo - June 19
Denounce and Stop The Water rate Rebasing Scheme of Maynilad and Manila Water Service - June 6
Workers Call for Congressional Inquiry into Maynilad's Abandonment of Obligation - 23 April 2002
Despite Its Dismal Service Performance,Maynilad Has The Nerve To Ask For Water Rate Increase! - 19 April 2002
Workers' Resolution On Maynilad's Failure To Deliver Water Services To Maligaya Park Residents 
Manifesto of Bantay Tubig (Water Watch)

 

Posted at the APL Website on 21-June-2002

Previous Press Statements

Dagdag Presyo, Bawas Serbisyo - June 19

Labor Secretary Assumes Jurisdiction Over the Labor Row in Hyatt Regency Manila

APL and Akbayan Stopped From Holding Rally in US Embassy - 13 June

After One Month: The Fight for Workers' Rights in Hyatt Regency Manila Continues - June 10

Denounce and Stop The Water rate Rebasing Scheme of Maynilad and Manila Water Service - June 6

Thousands Joined the National Day of Protest - June 5

Suspension is Not Enough, Abolish PPA! - May 29

Strike in Hyatt Regency Hotel Enters Its 2nd Week - May 23

Workers Picket Meralco Branches “Kontra PPA Patak Centers" Established - 14 May 

Workers of Hyatt Regency Manila on Strike! - May 10

Hyatt Hotel Harassed Its Own Employees Union Posed To Strike Anytime Soon! - May 9

Thousands marched to celebrate Labor Centennial and to demand the country's withdrawal from the WTO - May 1

Workers Call for Congressional Inquiry into Maynilad's Abandonment of Obligation - 23 April 2002

Despite Its Dismal Service Performance,Maynilad Has The Nerve To Ask For Water Rate Increase! - 19 April 2002

GMA reveals contempt for 100 years of trade union struggle - 10 April 2002

Meralco a blackmailer! - 5 April 2002

APL condemns the Tariff Commission and calls for public review of country's WTO commitments and other trade arrangements - 3 April 2002

 

HOME | ABOUT APL | PRESS STATEMENTS | POSITION PAPERS | BASIC DOCUMENTS 
SITE MAP |
RESOLUTIONS | AFFILIATES | FORUM | GUEST BOOK | LINKS



Alliance of Progressive Labor (APL) 2002
Manila, Philippines

email: apl@surfshop.net.ph

http://www.apl.org.ph